MARAMI ang naniwala sa kumalat na balita sa social media nitong nakaraang Mahal na Araw.
Ito ay ang abiso na makakapanood daw ng movies sa Netflix na libre sa loob ng dalawang buwan.
Ito ay para na rin daw may mapaglibangan ang mga tao habang naka-quarantine.
Ang siste, scam ‘yung text, huh!
Pati kami muntik maniwala!
Mabuti na lang at natanggap namin ang message ng National Telecommunications Commission.
Anito, “BABALA: Huwag pong maniwala sa text na magkakaloob ng libreng Netfix sa loob ng 2 buwan dahil sa Quarantine (COVID-19), ito po ay isang SCAM.”
Siyempre pa, maraming nabwisit. Mabentang-mabenta ang subscription sa Netflix dahil ang panood ng mga palabas dito ang isa sa pinagkakabalahan ng mga tao ngayon, huh!
MAY BAGO
Nakagawa ng bagong kanta ang banda na Ben&Ben.
Ito ay inspired daw ng ongoing enhanced community quarantine.
Ayon sa social media post ng banda, “We wrote ANOTHER song for you. It is the band’s most favorite so far!
“Quite sad but hopeful. Mga feelings natin this quarantine. It will be our first international single.”
Nakilala ang Ben&Ben dahil sa hit songs nilang “Araw- Araw,” “Kathang Isip” at “Ride Home.”