DAHIL sa pinapairal na Enhanced Community Quarantine ay nag-away ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.
Ibinahagi nila ito sa kanilang podcast sa YouTube na #Behind Relationship Goals.”
Nangyari ang gusot nang mag-shoot sila ng video para sa isang brand sa kanilang house.
Ang siste, hindi ma-i-deliver ni Megan nang maayos ang kanyang linya.
Umamin si Mikael na pareho silang na-frustrate that time. Sinisi pa niya ang takot at sama ng loob dahil sa pinapairal na enhanced community quarantine.
Umiyak daw si Megan at hindi natuloy ang shoot.
Hindi naman pinatagal nina Mikael at Megan ang kanilang iringan. Nag-usap sila nang masinsinan at nagkaayos din kalaunan.
MAY PAYO
Mag-yoga ang payo ni Ina Feleo para malabanan ang anxiety at stress sa banta ng COVID-19.
May self-challenge siya this April. Araw-araw siyang nagyo-yoga.
Na-inspire ang ilang netizens sa workout videos ni Ina na anila, namo-motivate sila na mag-workout din para maging fit and healthy.
LIBANGAN
Ang pagtugtog ng saxophone ang libangan ni Rocco Nacino ngayong may enhanced community quarantine.
Birthday gift ‘yun sa kanya ng girlfriend niyang si Melissa Gohing.
Paboritong tugtugin ni Rocco ang “Bella Ciao” mula sa official soundtrack ng “Money Heist.”
Bukod sa sax, ang pagwo-workout sa parking lot ng condominium na tinitirahan ang isa pang libangan ni Rocco. Hindi kasi siya makapunta sa gym dahil sa quarantine.