BY REGGEE BONOAN
*
KA-CHAT namin si Angel Locsin noong Miyerkoles ng gabi at tinanong namin kung anong plano niya sa kaarawan niya (Abril 23).
Sinagot niya kami ng, “Wala, lol.”
Well, ever since naman kasi hindi talaga naghahanda si Angel kapag birthday niya kasi mismong mga kaibigan niya ang naghahanda para sa kanya.
At simula nang maging katipan niya ang mapapangasawang si Neil Arce ay ang binata na ang laging in-charge sa handaan.
Ibinuking naman ni Angel na alam na niya ang pag-asalto sa kanya this year.
Base sa kuwento niya habang kinukunan ng video ang nagkataong parehong cake na Darna ang theme ang regalo sa kanya ng daddy niya at ni Neil.
“Ang galing!” sambit ng aktres.
Kwento pa ni Angel sa video, “Nalaman ko ‘yung surprise nila 30 minutes earlier. Hindi pa nila alam na alam ko na. Surprise happy birthday to me!”
Pinasalamatan niya ang Team Angel, si Chef Justin Chan at iba pang taong nagpadala ng mga pagkain sa kanya.
Pero ayaw i-blow ni Angel ang mga candles niya dahil na rin nga sa COVID-19.
Sabi pa ni Neil, “magpapakapaso na lang siya (Angel) kasi ayaw niyang mag-blow!”
Ang caption ni Angel sa post niya, “35 and proud. My ‘surprise’ salubong.”
Samantala, nakiusap din si Angel sa mga kapwa niya residente ng BGC Taguig City na makisama at sumunod sa ECQ rules.
Aniya, “Rules are rules. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porke’t may common area sa high end condo ninyo.
“Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”