BY RUEL MENDOZA
*
WORKOUT Diva ang peg ni Valeen Montenegro habang may quarantine.
Nagsi-share kasi si Valeen ng ilang sikreto para mapanatili ang sexy body sa pamamagitan ng kanyang free online workout classes via Instagram at Zoom.
Nagpakita ng kanyang iba’t ibang workout si Valeen para sa lahat ng gustong maging physically fit sa panahon ngayon na hindi puwedeng pumunta sa gym or um-attend ng Zumba dance classes.
Marami ang tumatangkilik nito na sadyang nagpaligaya sa dalaga.
“Hopefully I was of great help to everyone this quarantine period. Thank you all for trusting me in leading your workouts kahit team replay kayo,” sey ni Valeen.
Natutuwa ang “Bubble Gang” mainstay tuwing may nagpapasalamat sa kanya at inaaming naging effective ang free online workout classes niya sa katawan nila.