BY REGGEE BONOAN
*
HINDI nagustuhan ni Derek Ramsay ang inasta ng Spanish expat na si Javier Salvador Parra kay Senior Master Sergeant Roland Von Madrona na sumita sa kasambahay nitong walang suot na face mask habang nagdidilig ng halaman sa bahay nila sa isang exclusive village sa Makati City.
Lumabas na topless si Parra at walang suot na face mask ng kinompronta si Madrona.
Binanggit ni Madrona na pinagsinabihan niya ang kasambahay nito, bagay na ikinagalit ng expat dahil ang katwiran niya ay nasa loob sila ng bakuran nila.
Di kalaunan ay napagdesisyunan ni Madrona na arestuhin si Parra at dito na nagpambuno ang dalawa.
Natigil lang si Madrona ng nagsisigaw ang asawang Pinay ni Parra at sinabing may injury ang asawa.
Nailathala ang pangyayari sa Rappler at base sa post ni Derek, hindi niya nagustuhan ang pagkakasulat ng istorya.
Aniya, “Bad journalism! Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys.
“Shouldn’t you get all the details and facts first before posting an article about the situation?
Tila may pasaring pa siya kay Parra” “Show respect to our soldiers and policemen! Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone.
Diin pa niya, “Kuya magbago ka na! Your arrogance doesn’t help. These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say.”
Nasampahan na ng patong patong na reklamo ang expat.