ANO nga ba si Sarah Geronimo sa buhay at puso ni John Lloyd Cruz?
Ito ang tanong ng iilan ngayon matapos ibunyag ni Bea Alonzo na diumano’y si Sarah nga ang “great love” ni JLC.
Nangyari ang rebelasyon sa tsikahan nina JLC at Bea sa IG recently. May binanggit na linya si JLC na hango sa pelikulang “A Very Special Love” na pinagtambalan nila ni Sarah: “I don’t get jealous. I’ve never been jealous. Ngayon lang…”
Sagot ni Bea, “Taray! Hindi ako kasama diyan. Ibang pelikula ‘yun. Nakakabuwisit. Hindi ako ‘yun.”
Buwelta naman ni JLC, “Why? Are you jealous?”
Sagot ni Bea: “Hindi no. Wala akong laban dun. GL (great love) e.”
Ngiting-ngiti naman si JLC dito sabay iling.
Matatandaang muntik pormahan (o pinormahan?) ni JLC noon si Sarah. Natunugan ‘yun ng Mommy Divine ni Sarah at natsika pang diumano’y pinaimbestigahan nito ang aktor.
Natuklasang diumano’y may iba pang babae itong pinopormahan na taga-Cebu that time.
Nadiskaril ang pagporma ni JLC kay Sarah na ngayon ay happily married na kay Matteo Guidicelli.
MAY SOMETHING?
Although kilig-kiligan ang mga fans sa exchange nina JLC at Bea, lalo na nga’t nagpakawala ang una ng mga matalinhagang kataga patungkol sa huli, hindi pa rin maalis ang hinala ng netizens na may “something” na namamagitan kina Bea at Dominic Roque.
Hinala ng netizens ay magkasama sina Bea at Dominic na namahagi ng face shields sa frontliners kamakailan. Naispatan daw ang pick-up van ni Dominic sa harapan ng bahay ni Bea. Posible raw sa van ni Dominic inilagay ang face shields na gawa ni Bea. Hmmm…
AYUDA
Magbibigay ang Mowelfund (Movieworkers Welfare Foundation) ng cash assistance sa mga active and inactive members sa programa nitong Mowelfund Cares/Covid-19 Alleviation and Recovery Enhancement Support. Tumawag lang sa 0287271961, 09776904434, at 09615801896 .