BY REGGEE BONOAN
*
BAGAMA’T magaling na sa COVID-19 ay patuloy pa ring nagpapalakas ng kanilang immune system si Sylvia Sanchez at asawang si Art Atayde.
Naka-chat naming ang aktres kamakailan at tinanong naming kung nakakakilos na siya at balik na sa mga nakagawian.
Aniya, “Hindi pa ako makakapagluto, hindi pa masyadong malakas, binabawi pa namin pagod naming kay COVID. Immune system pinapalakas pa namin.”
Pinayuhan kami ni Ibyang, “Malalabanan mo COVID kung malakas immune syatem mo. Matakot ka pag wala ka ng ganang kumain at wala ka ng pang-amoy at back pain, pag ganyan na takbo ka na sa hospital. Mas delikado ang may plema kasi pneumonia ‘yan. Tsinelas mo? Pinapasok mo sa bahay mo? Iba ang tsinelas mo sa labas at iba sa loob. Droplets malakas makahawa.”
At kapag bumalik na raw sila sa trabaho pagkatapos ng Enhance Community Quarantine aniya, “Bawasan ko na ang trabaho ko.”
Ibig sabihin ay magbabawas ng oras at araw na ng trabaho si Ibyang dahil hindi na rin siya bata para magpuyat araw-araw.