BY REGGEE BONOAN
*
MAITUTURING na Regal Baby si Angel Locsin dahil naka-walong pelikula ito sa Regal Films bago naging exclusive talent ng Star Cinema. Kaya hindi katakataka na isa si Angel sa mga artistang napabilang sa Facebook launch ng Regal Movies At Home, isang fund drive para frontliners laban sa COVID-19 pandemic.
Nagpasalamat ang mga taong nakalive chat ni Angel sa walang sawa nitong pagtulong sa mga kababayan noon at ngayon.
Hindi tuloy maalis na may magtanong kung ang ginagawa ba niya ay bilang paghahanda sa pagpasok sa pulitika.
Ani ng aktres, madami ang nagu-udyok sa kanyang pumasok sa public service pero wala raw sa isip niya ito.
“Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think iyong buhay naman namin is very public.
“Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero politics? Hindi talaga,” diin ng dalaga.
Yan ang Angel Locsin. Hindi kailangang pumasok sa pulitika para makatulong.