BY REGGEE BONOAN
*
UMANDAR na ang pagka-barumbado ni Coco Martin.
Dati’y walang masyadong mababasa sa social media accounts niya, kung mayroon man ay puro promo lang.
Pero simula nang magsara ang ABS-CBN ay hindi na napigilan ni Coco ang maglabas ng galit sa pamamagitan ng social media.
Sa mga nauna niyang post ay may naramdaman pa kaming respeto, pero nitong huling araw ay wala na, galit na galit na siya at kulang na lang ay murahin ang mga taong nagsasaya na sarado na ang kanyang home network.
Sa Instagram account niya nga kamakailan ay ipinost ng aktor kung paano basagin ang trip ng mga trolls.
Tuwang-tuwa rito si Coco. Masarap daw ang pakiramdam na mailabas ang nararamdaman nang walang pag-aalinlangan.
Diin niya, “NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!!
Sa isang post kunsaan makikitang umiiyak ang isang bata dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, sey ni Coco, “Tama na wag ka na umiyak babalik kami sadyang may mga Demonyo lang talaga na tao ngayon na gusto tanggalan ng kaligayahan ang mga tao at ng hanap buhay na pinagkukunan ng kanilang kakainin sa araw araw!
“Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!”