ITO ang tanong ng mga netizens hinggil kina Tom Rodriguez at Carla Abellana, pati na rin kina Mark Herras at Nicole Donesa.
May nasulat kasi na kasama ni Carla si Tom sa bahay sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Dagdag pa rito ang pag-amin ni Tom sa isang interbyu na kesyo sleep-over partners sila ni Carla.
Di ba parang ganun na rin yun?
Sabagay, nagpaplano na silang magpakasal. Hindi lang alam kung kelan. Maybe this year or next year?
Mas nakakasiguro kami kina Mark at Nicole in terms of them living together.
May socmed post kasi si Mark na okey lang sa kanya ang lockdown basta kasama niya si Nicole.
May post pa si Mark na nagdi-date sila ni Nicole sa loob ng bahay sa ngayon. Yun na!
TUMULONG
Sa halip na bonggang debut party, namahagi na lang ng tulong si Golden Canedo, grand
champion ng “The Clash Season 1” sa mga kabarangay niya na apektado ng ECQ.
Ginamit niya ang perang naipon para sa debut. Inilaan niya ito sa relief goods na ipinamahagi niya.
Kung sabagay, hindi rin naman puwede ang malakihang party o events ngayong may ECQ.
Ani Golden, noon daw ay naranasan niyang pumila kapag may nagbibigay ng relief goods. Gusto naman niya ngayon na siya ang mag-share ng blessings.
TAHIMIK LANG
Although, hindi inaamin ni Alessandra de Rossi na officially together sila ni Direk Rico Gutierrez, may tsikang diumano, gusto na siyang pakasalan ng TV director.
Si Rico na nga kaya ang “The One” ni Alessandra?
Nakarelasyon niya dati sina Mark Abaya at Sid Lucero, pero never umamin si Alessandra ukol dito.
Kinukulit na nga siya ng kanyang mommy na mag-asawa na para magkaapo na ito sa kanya.