MAY mga fans na na-disappoint sa hindi pagsulpot ni KC Concepcion sa online fundraising concert ni Sharon Cuneta billed “Sharon: Love and Music” over the weekend.
Hindi naman ibig sabihin nito ay may bagong alitan ang mag-ina.
In fact, nagpadala pa si KC ng cheese platter para sa kanyang Mama Sharon.
Yun nga ang kinain ng Megastar pagkatapos niyang mag-concert for two hours.
Succesful ang concert. Nakalikom ng higit dalawang milyong piso si Shawie.
Ido-donate niya ang kita sa Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN para matulungan ang mga Kapamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Hindi niya nalagpasan ang kita ng naunang online fundraising concert ni Regine Velasquez na more than ₱3-M na para naman sa Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN.
SOSYAL!
Pambahay outfits ang uso ngayong may ECQ.
Dedma muna ang mga stars sa mga panlakad outfits nila dahil, of course, hindi naman puwedeng lumabas para makiparty o makipagsosyalan.
Pero si Heart Evangelista, fashionista pa rin kahit nasa bahay lang!
Nakuhanan nga ito ng litrato na naka-designer outfit at shades habang kumakain ng pancit canton.
At with matching Gucci Princetown slippers pa! Customized ang kanyang satin robes mula sa La Rosa Novia Bridal.
SOSYAL, DI BA?
Si Marian Rivera naman, mula sa Indonesia na Faithfull (yes with double L) The Brand ang pambahay outfits. Hand-dyed at hand-printed floral dresses ang paborito niyang suotin ngayong summer.
Teka, akala ba namin, local brand gaya ng Kultura ang pina-patronize ni Marian? Anyare?