BY REGGEE BONOAN
*
MUKHANG nakatunog ang bashers sa plano ni Angelika de la Cruz dahil nanahimik na sila ngayon.
Marami sa pinamumunuang barangay ng kapitana sa Malabon City ang pumutak kahit tumanggap sila ng food pack mula rito. Minura pa nila to the max si Angelika.
Inamin sa amin ni Angelika nang maka-chat namin, “Idadaan ko ito sa legal lahat. Kumausap na ako ng abogado.”
Ang kuwento pa sa amin ni Kapitana Angelika, “Saken walang masamang magreklamo normal ‘yun at sumasagot ako hindi lang sa nagpupunta sa barangay pati sa FB. Kasama sa duties and responsibilities ko ang magpaliwanag at mag information dissemination sa mga constituents ko para ma-kampante sila lalo ngayon nagpa-panic ang tao dahil sa situation ng lahat pero grabe naman ‘yung ganon (minura siya) di ba?”
Simula nang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Malabon ay hindi nagpabaya sa kanyang constituents si Kapitana Angelica kasama ang kapatid na sina Kagawad Erick at Mika, pati na rin ang Daddy Ernie nila.
Lahat ng kaganapang nangyayari sa pagre-repack ng food pack ay bini-video ni Angelika para may resibo siya sa lahat ng magtatanong sa kanya kung saan napunta ang mga supply.