BY RUEL MENDOZA
*
COVID-19 free na ang veteran broadcast journalist na si Howie Severino.
Ito ang magandang balita na pinost ni Howie sa isang article sa GMA Network website.
“I’m happy to say that I have finally tested negative twice in a row for the coronavirus. I am now medically considered fully recovered from COVID-19.”
Dumaan na rin si Howie sa pag-donate ng kanyang plasma para magamit sa ibang COVID-19 patients.
“My two antibodies tests showed that I have these antiviral warriors in my blood, making me eligible to donate plasma to gravely ill patients to improve their chances of survival.”
Ibinahagi ni Howie ang kanyang pinagdaanang pagsubok noong maging positibo siya sa COVID-19 sa pamamagitan ng isang documentary para sa programang “I-Witness.”
Hindi raw biro ang pinagdaanan niyang treatment at saludo siya sa sakripisyo ng frontliners, lalo na raw yung medical staff na round-the-clock ang pagasikaso sa maraming COVID-19 patients.