PINABULAANAN ni Aiko Melendez ang kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Jay Khonghun, incumbent Vice Governor of Zambales.
Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng mga fans na tila wala na daw sweet messages for each other sa social media ang dalawa.
Ayon kay Aiko, hindi perfect ang kanilang relasyon ni Jay. Tulad ng ibang normal couples, may challenges, may tough times silang pinagdaraanan, may highs and lows sa kanilang relasyon. Pero naaayos naman nila ‘yun.
Nagpasalamat si Aiko sa mga taong nagdarasal para manatiling maayos ang kanilang relasyon.
So, there!
NO PROBLEM
Kahit parehong naapektuhan ng enhanced Community Quarantine (ECQ) ang kani-kanilang trabaho, nilinaw ni Yasmien Kurdi na hindi sila naghihirap ng husband niyang si Rey Soldevilla, Jr.
Sa interbyu ng PEP, sinabi ni Yasmien na may emergency fund naman sila. Dati na raw silang nag-iipon ng asawa.
Tigil trabaho si Yasmien bilang artista, gayun din ang husband niya na isang international licensed pilot.
Bonding-to-the-max silang mag-asawa kasama ang anak na si Ayesha Zara.
MAUSO KAYA?
Dahil kaya sa ECQ kaya nagkauban (puting buhok) na ang ilang artista? Joke!
Andiyan sina Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta, among others. Si Gabby, mukhang ermitanyo na sa puting balbas at bigote. Lalo naman daw lumakas ang appeal ni Piolo sa salt and pepper hair niya.
Si Dawn, hindi raw siya magpapa-dye ng hair. Hindi kaya mauso ang white hair sa mga celebrity?