BY REGGEE BONOAN
*
ITO ang basa namin kay Willie Revillame nang makapanayam niya si presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang show.
Binanggit kasi ni Roque ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.
Sey niya, “Duda ko, kaya ‘yung isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan
niyan e. O, aminin.”
Bwelta ni Willie, “Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na yan. Do’n ako
nagsimula, do’n ako nakilala, nasa puso ko pa rin ‘yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso,
bawat Pilipino. Kaya Sec, ‘wag mo akong idamay. Baka ma-bash po ako. Nanahimik
po ako.”
Hindi nagpapigil si Roque at bumanat pa ng, “Pero, nag-iisa na lang kayo (GMA 7).”
Binara siya ng “Wowowin” host: “Wag na nating pag-usapan ‘yan. Hindi natin pag-
uusapan ang kahit ano mang prangkisa. Ang pag-uusapan natin dito ay ‘yong ating hinaharap na kinabukasan.”
Aray! Siyempre pa, nag-trend sa social media ang usap ng dalawa.
Obviously, kahit hindi maganda ang paghihiwalay ni Willie at ABS-CBN manage-
ment, hindi naman niya mal-ilimutan ang 12 years niyang pamamayagpag sa nasabing
network.