BY RUEL MENDOZA
*
MAY realizations daw ang Kapuso actor na si Ruru Madrid habang naka-quarantine.
Kuwento ng aktor, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon. Naging mas close daw siya sa pamilya niya ngayon.
Sey niya, “Because of COVID-19, na-realize ko na dapat every single moment, ini-enjoy na natin.
“I mean, ‘yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin si la, sabihin na natin hangga’t kaya nating sabihin. Kasi, hindi natin alam kung ano ‘yung mangyayari.”
Dagdag pa ni Ruru, sinasamantala rin daw niya ang panahon na ito para tumuklas ng mga bagong pagkakaabalahan o hobbies.
“Marami pala akong puwedeng gawin kahit nasa bahay lang. Habang wala pa tayong work sa TV, tumutuklas ako ng mga bagong gagawin sa bahay kasama ang pamilya ko.”
Napapanood ngayon ang rerun ng kinabibilangan niyang telefantasya na “Encantadia” sa GMA Telebabad.