BY RUEL MENDOZA
*
TODO alaga ngayon ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa kanyang kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Thea ang kanyang mga kaibigan na nagtulak sa kanyang mag-exercise at manatiling fit habang wala pa silang sinisimulang trabaho.
“Ngayong quarantine, wala akong ginawa kundi kumain ng kumain. Buti na lang, I have friends na nagpu-push sa akin mag-workout. We work out together sa kanya-kanyang bahay with the help of @fitcrew_ph. I managed to maintain my weight and slowly get toned na rin because of them,” caption ni Thea.
Bukod sa kanyang daily exercise, naging abala rin si Thea sa non-profit organization na RelievePH na kanyang inilunsad kasama sina Juancho Trivino at Mikoy Morales.