BY JUN NARDO
*
REKTANG sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na may user name na @emilsusan nang sabihan siya nitong mag-shut up matapos niyang mag-upload ng isang instructional video sa Instagram hinggil sa tamang pagsusuot ng face mask.
Tugon ni Ellen sa basher niya, “@emilsusan is that your profile pic? If so, aren’t you a bit old for aggression? And negativity = stress.
“If my face stresses you out, I beg you to please unfollow me. I don’t want you to die of stress. Stress weakens the immune system and causes diseases that will eventually kill you.
“Shine a light! You need to be healthy inside and out to fight this virus.”
Obvious na very much concerned si Ellen sa COVID-19 dahil nga dumarami ang kasong mayroon nito sa Cebu.
Nakabase siya roon at ang anak na si Elias Modesto pati na rin ang ama ng bata na si John Lloyd Cruz.
At least, may class ang talak ni Ellen sa basher niya, huh!
DELIVERY BOY
Naging delivery boy ang character actor na si Neil Ryan Sese nung natigil ang taping ng “Descendants of the Sun.”
May seafood business ang aktor at siya na mismo ang nag-deliver ng goods niya nang ipatupad ang lockdown.
Bisikleta ang gamit niya sa halip na motor dahil isa siyang bike lover.
Kaya naman ganoon na lang kataas ang respeto niya sa gumagamit sa ngayon ng bisikleta.
Sa documentary ng “Padyak Exploration,” ibinahagi niya ang isang karaniwang araw sa kanyang buhay bilang delivery boy.
“Unang-una nakakataba talaga ng puso na nakakatulong ako sa kanila, sa mga rider. Kasi noong una talaga, noon first few weeks nila, yung isa parang nalula pa noong malaki ang kinita niya, P850 parang ganoon.
“At least ‘yung ganoon bagay, parang fulfilling ba na nakatulong ka sa tao,” saad ni Neil.
Kaya hiling niya e respetuhin ang mga kapwa siklesta.