BY ROWENA AGILADA
Pregnant sa third baby nila ni Geoff Eigenmann si Maya Flores. She’s due to give birth in November this year. Girl ang panganay nilang si Arabella, 3 years old, at boy ang second, si Angus, 1 year old.
Dapat sana’y magpapakasal this year sina Geoff at Maya pero dahil sa COVID-19 pandemic, ipinost-pone muna nila. Hopefully, next year na sila magpapakasal.
‘Di pa pwede
Kasal na lang ang kulang para maging legal na ang pagsasama nina Paolo Contis at LJ Reyes. May anak sila named Summer, at parang tunay na anak ang turing ni Paolo sa panganay ni LJ na si Aki na si Paulo Avelino ang biological father.
Ongoing pa ang annulment case ni Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz, kaya hindi pa sila puwede magpakasal ni LJ. May dalawang anak na babae sina Paolo at Lian. May iba na rin itong pamilya at naka-base sila sa Cebu.
Sa isang interbyu, sinabi ni Paolo na malaki ang nabago sa buhay niya since naging “sila” ni LJ. “She brings out the best in me,” he said.
Chill, relaxed lang ang relasyon nila na going strong. Ani Paolo, wala silang away ni LJ at happy family sila.
Soon ay magbabalik-taping na si Paolo sa “Bubble Gang.” Nagbalik-ere na via Zoom ang “All-Out Sundays: The Stay Home Party.”
Aniya, welcome sa kanya kung may mga Kapamilya stars na lilipat sa GMA-7. “The more, the merrier,” he said.