BY JUN NARDO
*
Kahit alam ni Alden Richards na malakas ang immune system ng katawan niya, ayaw pa rin niyang maging kampante lalo na ngayong regular na siyang napapanood sa “Eat Bulaga” matapos ang matagal na quarantine dahil sa COVID-19.
Umuuwi si Alden sa bahay sa Santa Rosa, Laguna matapos ang isang linggong trabaho sa noontime show.
Pahayag ng Asia’s Multimedia Star sa gmanetwork.com: “I don’t want to risk kahit pa walang nararamdaman since the symptoms of COVID-19 are asymptomatic. Hindi na ‘yun nakikita agad.
“Ayoko ring mag-risk na carrier pala ako. Altough maganda ‘yung immune system ko, dala ko ‘yung virus and then naipapasa ko siya roon sa mga mabababa ang immune system, especially sa kasama kong Lolo at Lola rito sa bahay. I don’t want to risk that.
“‘Yun ‘yung precautionary measures that I take because now that I’m going back to work and being more exposed outside,” rason ni Alden.
Nag-iingat ang Kapuso artist dahil siya ang bagong mukha ng BIDA Solusyon na joint project ng Department of Health at USAID, Laging Handa Inter-agency Task Force for Emerging Infectious Disease at National Task Force on COVID-19.