BY JUN NARDO
Kinabog ng Philippine TV adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun” (DOTS) ang ilang remakes mula sa KB drama para sa parangal na Most Popular Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.
Ang DOTS ang unang Philippine TV program na nakatanggap ng ganitong recognition sa taunang global festival.
Ang Kapuso primetime series ay kabilang sa listahan ng winners kasama ang dalawang foreign dramas, “Snowpierer” na produced ng US Broadcaster na TNT at “The New Pope” na produced naman ng Sky Atlantic at HBO.
Bida sa DOTS sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado na kapwa nagpasalamat sa kani-kanilang Instagram account dahil bahagi sila ng DOTSPh.
Ang Seoul International Drama Awards this year ay gaganapin sa MBC Media Center Public Hall sa Sept. 10 pero walang live audience.
Bago sinimulan ang PH adaptation, ang GMA Entertainment Group ay nagkaroon ng partnership sa Armed Forces of the Philippines.