BY ROWENA AGILADA
We stand corrected sa isinulat namin na natulala si KC Concepcion noong i-announce ni Piolo Pascual on national TV ang kanilang break-up. It should be, noong aminin ni Piolo na “sila” na.
Binalikan namin sa YouTube ang nakakakilig na pag-amin ni Piolo na aniya, it took a while bago niya aminin dahil pinoprotektahan niya ang kanyang anak na si Inigo who was 13 years old then.
Naganap ang pag-amin ni Piolo sa “The Buzz” sa “Straight from the Heart” segment hosted by Charlene Gonzalez-Muhlach. Ayon pa kay Piolo, two years niya niligawan si KC at October 21 ang kanilang anniversary.
Eight years siya walang commitment at hindi siya magti-take ng risk kung hindi niya gusto si KC makasama for the rest of his life. After more than ten years, magkaroon kaya ng second chance ang relasyon nina KC at Piolo?
Ayon sa aktor, ibang klaseng babae si KC. Sobrang magmahal at understanding ito.
“Her family and relatives are nice to me,” aniya pa.
Inamin niya ang kanilang relasyon para ipaalam sa lahat na she’s taken.
“My princess” ang tawag noon ni Piolo kay KC.
Matapos ang interbyu ay nagpunta si Piolo sa backstage kung saan naroon si KC. Pareho silang naging emotional at nagyakapan sila.
DREAM PROJECT
Sa part 2 ng interbyu ni G3 San Diego sa kanyang YouTube channel kay KC Concepcion ay naibahagi ng huli na dream project niya ang magkaroon ng farmhouse outside Metro Manila. Enjoy siya sa buhay-probinsiya at gusto niya, doon tumira.
Pinayuhan daw siya ng kanyang Mama (Sharon Cuneta) to work hard, save her money, to invest and spend wisely. Best daw mag-invest sa real estate properties.