BY RUEL J. MENDOZA
Ikatutuwa ng maraming fans ang magiging Christmas reunion ng SexBomb Girls.
Kinumpirma ito ng original SexBomb Girl na si Rochelle Pangilinan.
“Actually, nagkakaroon naman kami ng reunion parati ng SexBomb Girls even before nagkaroon ng lockdown. Pero kamikami lang yun. Naisip namin na isama na namin ang mga fans na hanggang ngayon nandiyan pa at sumusuporta sa amin.”
Sa nilulutong virtual Christmas reunion ng SexBomb Girls, nasa plano nila na mag-record ng isang Christmas song nila na mula sa kanilang Christmas album na “Wish Ko Sa Pasko.”
Ni-release noong October 2002 ang first Christmas album ng Sexbomb Girls kunsaan naging hit ang single na “Bakit Papa Christmas Medley.”
Naglabas din sila ng isang Christmas single in 2004 titled “Pik/Pirik-Pik ng Pik-Pik.”
Samantalang na-enjoy ni Rochelle ang mahabang quarantine dahil matagal nilang naka-bonding ng mister niyang si Arthur Solinap ang kanyang kanilang anak na si Shiloh.
“Nakita namin ‘yung paglaki ni Shiloh everyday. Nasusubaybayan namin yung mga ginagawa niya. Kelan lang nakita namin siyang sumasayaw. Nagmana sa amin ni Arthur!”