BY DANTE A. LAGANA
MUKHANG all is well ang magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa takbo ng kanilang relasyon. Bagamat magkaiba ng mother station, napapanatili nilang maging stronger ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Namumukadkad ang mga post nila sa socmed na laging magkasama. Kahit sa pagvo-vlog ng Kapuso actress to the rescue ang partner niya. Si Khalil din daw kasi ang kanyang videographer, creative director, lighting director at iba pa.
Sa katunayan, kamakailan lang marami ang kinilig at inulan ng komentong “sana all” ng mga followers ni Gabbi nang magtweet siya sa kanyang twitter account patungkol kay Khalil.
Ani Gabbi, “Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka. Parang everything good follows. Parehas kayong naghihilahan pataas. Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa. Wala lang, ang saya lang for the past three years ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight.”
Three years na rin kasi ang tinatakbo ng relasyon nila Khalil at Gabbi na nananatiling smooth ang lahat.
Tumugon naman si Khalil sa kanyang socmed. Sey niya, “I love you!!!!!!!!.”
Wow! Mukhang nilalanggam na ang dalawa sa sobrang kasweetan.
Sa tweet ni Gabbi tila tunay na nagkakasundo sila ni Khalil sa lahat ng bagay. Maski nga sa lamunan partner din daw sila mula 2017. Ayon naman kay Gabbi forever na silang magpartner sa paglamon. Hindi ba sila nagkakatampuhan? Well, baka naman sa simbahan na ang tuloy ng kanilang magandang samahan at pagiibigan. Yun na! (Dante A. Lagana)