BY RUEL J. MENDOZA
Ang latest na celebrity na-engaged sa taong ito ay ang Kapuso hunk at “Descendants of the Sun” star na si Lucho Ayala.
Nag-propose si Lucho sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Emma Rueda noong nakaraang Oct. 2 na nataong birthday din ng kanyang fiancee.
“Happy birthday, my fiancée. I hope I made you happy on your special day. And thank you for saying YES!” caption ni Lucho sa Instagram post niya.
Unang nakilala si Lucho sa GMA teleserye na “First Time” noong 2010 kunsaan bida sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.
Lumabas din siya sa mga teleserye na “Alyas Robin Hood,” “Legally Blind,” “Cain at Abel,” atbp.
Nitong huli ay gumanap si Lucho bilang si Staff Sergeant Alen Eugenio o “Snoopy” ng Philippine adaptation ng “Descendants of the Sun.”