BY ROWENA AGILADA
Parehong taken na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz na magĀtatambal sa isang upcoming project ng GMA News and Public Affairs.
May Bianca Umali si Ruru, may EA Guzman si Shaira.
Kilalang selosa si Bianca. Kung matatandaan, pinagĀselosan niya si Kyline Alcantara noong nagkatrabaho sila sa āKambal Karibalā with Miguel Tanfelix.
Although, kapuwa itinanggi ng dalawa na may āsomethingā sila, some sources say na si Kyline ang dahilan ng break-up nina Bianca at Miguel.
Nagselos din si Bianca sa isang young actress na naĀkapareha ni Ruru sa isang pelikula. Nagwala daw ito sa parking lot ng isang sinehan noong premiere night ng movie. Muntik pa raw niyang sagasaan si Ruru.
Magselos din kaya si Bianca kay Shaira? What about EA kay Ruru?
Loveless pa rin
Si Angelica Panganiban na lang ang wala pang boyfriend sa kanilang tatlo nina Kim Chiu at Bela Padilla.
Friends sila na kamakailan ay nag-bonding sa Subic at nag-celebrate ng anniversary ng kanilang friendship.
Foreigner ang bagong BF ni Bela named Norma Ben Bay.
May Xian Lim naman si Kim na ilang years na rin ang kanilĀang relasyon.
Thrice nang na-heartbroĀken si Angelica sa ex-showbiz boyfriends niyang sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.
Kelan kaya darating ang āThe Oneā niya?