By DELIA CUARESMA
Ito na nga ba sinasabi ko e…
Hiwalay na daw itong si Derek Ramsay at Andrea Torres.
Aba’y parang kelan lang parang pulupukyutan kung maglingkisan ang dalawa diba?
Nakunan pa nga silang magkatabi sa Christmas station ID ng GMA-7 na kaka-launch pa lamang.
Anyare?
Malay ko ‘no!
Tahimik pa rin ang dalawa at ayaw umamin sa maingay na tsismis.
Pero ayon sa aming insider truth daw ito.
Patunay naman ng iba ay ang absence ng mga litrato nilang magkasama sa social media.
Yes, marami ang nakapansing nawala na ang litrato nila sa IG posts ni Andrea at hindi na rin pina-follow ng aktres ang aktor.
Sana naman hindi totoo ang tsismis.
Bagay sila e and wish talaga naming matuloy sila sa altar.
Akala ko pa naman sure thing na…hopia tayong lahat!
Ang tanong, paano na ang TV series na pagtatambalan sana ng dalawa?
Abang-abang na lang!