BY JUN NARDO
Durog na durog ang puso ni Sharon Cuneta habang nanonood ng news ukol sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Ulysses!
“Nakakapanlumo po ang panonood ko sa news ngayon tungkol sa nasalanta ng bagyong Ulysses…
“I pray that you are all safe..at doon po sa lahat sa inyong naapektohan, nakakadurog naman po ng pusong isipin…
“Napakarami na nating mga kababayan ang tinamaan ng delubyo mula nung pumasok ang 2020…
“May God have mercy on us and keep us safe…Mahal ko po kayo. Ipagdadasal ko po kayong lahat ng taimtim…” caption ni Sharon sa screen shot ng baha sa Instagram.
Saad naman ni Angel Locsin sa kanyang Instagram: “My heart bleeds fort those heavily affected by these typhoons #Rolly & #Ulyses. Praying for you, your loved ones, and colleagues are safe and secure.
“Our resilience will always be greater than any calamity! Alagaan natin ang isa’t isa. Keep safe mga kababayan ko.”
Nanawagan naman si Marian Rivera ng tulong sa kanyang IG sa sanib puwersa ng Aktor (League of Filipino Actors) at CBCP, Caritas PH, Andrew’s Fund PH at Yes Pinoy Founation.