By DELIA CUARESMA
Muntik mapikon si Angeline Quinto sa isang netizen kamakailan matapos nitong batikusin ang kanyang hitsura.
Hirit kasi ng fan sa litrato niya: “Nasobrahan yata pagawa.”
Hindi ito pinalagpas ni Angeline.
Sagot ng seksing singer: “kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mu. Much better kung buhay mu nalang ang unahin at pagkaabalahan mu.”
Dagdag pa niya na tila nang-aasar: “Love you babe.”
May mensahe rin siya sa mga haters.
Aniya: “I love you guys, magagalit ang mamabob kung puro hate tayo. Hindi yan ang itinuro niya sa akin.”
Si Mama Bob ay ang yumaong adoptive mother ni Angeline. Ito ang umaruga sa kanya.
‘Yun na!