Dahil sa pabago-bagong weather condition, may time na nagkakasakit ako o nilalagnat. Nakapagpa-swab na rin po ako and thankfully, negative naman from COVID. Pero nandun pa rin ‘yung desire ko to get off. Kaya naman minsan ay nagmamasturbate pa rin ako. Gusto ko lang sanang malaman if may negative effects ang pagmamasturbate while not feeling well. Sabi kasi nila nakakababa daw ng immune system. Totoo ba ‘yun? Thanks.
Wireless Peg
Hi Wireless Peg,
Totoong high-risk tayong lahat na magkasakit because of the weather. Kaya kailangan talagang bigyan ng atensyon ang ating health and immune system. Good choice din na nakapagpa-swab test ka para hindi maging praning over COVID. Para sa mga lalaki, merong some evidence na may nutrients na nawawala during ejaculation pero parang mas malaki ang health benefits ng masturbation than the amount of nutrients that you lose. Sa mga babae naman ay walang research tungkol sa nutrient loss through the vaginal fluids.
Ang alam nating ilang benefits ng masturbation with both genders ay ang mga sumusunod: Muscle relaxant, nakakatulong sa pagtulog, pagbabawas ng stress, pagiging mas pamilyar sa iyong preference, nakakapagpaganda ng mood at self-esteem, at nakakapataas ng immune system sa mga lalaki.
Makikita mo na nagkakaroon ka ng ganitong mga benefits during masturbation without side effects or the risk of having an infection. Libre pa! May mga research pa ngang dumadami ang ibang types ng white blood cells during masturbation and orgasm.
Ang mga nababawasang nutrients during ejaculation sa mga lalaki ay kagaya ng zinc, copper, at ilang vitamins. Makatutulong siguro na sabayan mo ng pag-inom ng multivitamins or supplements kung patuloy ka pa ring magmamasturbate despite your feeling under the weather. Pero ‘wag kang mabahala, ang iyong pagsasariling sikap ay hindi dapat ma-isang tabi dahil lamang hindi maganda ang iyong pakiramdam. Baka nga mas makatulong pa ito.
Despite the science behind this, puwede mo rin itong i-discuss sa iyong doktor or health professional para mabigyan ka ng proper medication or supplement. Always enjoy kahit solo, but always be safe.
With love and lust,
Doc Rica
*
Rica Cruz, PhD, RPsy is a Psychologist, Sex and Relationship Therapist and Sex Educator. She is a co-host of the program Feelings at OnePH Channel 1, and listen to her podcasts, Conservative Ako and The Sexy Minds. Follow her on Facebook.com/thesexymind or Instagram @_ricacruz.