Work pa rin ang focus ni Alden Richards this year. Mukhang malabong matupad ang ipinangako niya sa kanyang sarili na ipa-prioritize niya ang kanyang lovelife ngayong 2021.
May pa-eklat pa si Alden na gusto na niyang may mag-aalaga sa kanya at aalagaan niya. Eh, mukha namang hindi pala siya seryoso magka-lovelife this year. Wala pa rin siyang Valentine date.
Busy ang schedule niya. Soon ay mag-uumpisa na ang lock-in shooting nila ni Bea Alonzo para sa pelikulang “A Moment to Remember.” Balik-hosting na rin si Alden sa “Centerstage.” Meron pa siyang “All-Out Sundays.”
Bukod sa kanyang career, busy din si Alden sa kanyang food business. Soon ay magbubukas siya ng bagong restaurant sa bandang South. May fast-food chain pa siya ng isang burger house.
So, malabong maisingit ni Alden ang paghahanap ng magiging girlfriend. Pero may kasabihang “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan.”
Unfair
Ano kayang reaction ng ex-boyfriends ni Heart Evangelista sa sinabi niyang dumi o alikabok na lang ang tingin niya sa mga ito? Sina John Prats, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga ang kanyang exes. Ewan lang kung pati si Geoff Eigenmann.
May panahong minahal niya ang mga ‘yun. Para bang wala silang pinagsamahan. Naging masaya rin si Heart sa past relationships niya. Nakipag-live-in pa siya sa isa sa mga ex-BF’s niya.
Comment ng netizens, unfair sa ex-BF’s ni Heart na dumi o alikabok ang tingin niya sa mga ito.
Buntis na?
By the way, happy ang fans ni Jericho Rosales kung totoong buntis na ang wife niyang si Kim Jones. No confirmation, no denial ang aktor. Abang-abang na lang sa kanyang announcement.