I am looking into natural methods ng fertility. Nabasa ko minsan ‘yung tungkol sa calendar method sa pag-alam kung kelan fertile at hindi si misis. Gusto ko sanang mas maintindihan ito para alam namin when ba ‘yung optimal time para makabuo kami. Salamat ng marami.
Legendaddy
Hello Legendaddy,
Maganda ang pagfa-family planning para masiguradong prepared kayo sa pagkakaroon ng baby sa inyong buhay. As early as now, I would suggest you see your doctor regularly para maging optimal din pati ang nutrition ninyong mag-asawa. Nakatutulong din ito sa pagtaas ng tsansa ng pagbubuntis ni misis.
Ang calendar method ay isang form ng fertility awareness methods na maaaring gamitin upang mabawasan ang risk ng pagbubuntis or ang pag-alam kung kelan mataas ang probability nito. Usually ang mga nagta-try magconceive ay nagsesex during the window ng fertility at kung ang goal naman ay contraception, iniiwasan ang mga araw na ito.
Ang calendar method ay based sa menstrual cycle at history. Pero kailangan mo itong imonitor without any hormonal contraception para malaman kung gaano kahaba talaga ang menstrual cycle. Madali ito lalo na sa mga regular ang cycle. Hanapin ang shortest cycle at bawasan ng 18. Ang numerong makukuha ay ang gagamiting bilang from the first day ng cycle at ito ang first fertile day. Ang last fertile day naman ay kukunin ang longest cycle at binabawasan ng 11.
Kunyari, ang shortest cycle ay 28 days at longest cycle ay 31 days. Ang 10th day after first day ng mens ay ang unang araw ng fertility at ang 20th day naman ang last day. Meron kang 10 days na window para sa fertility.
Kailangan mong tandaan na ang calendar method ay hindi ganoon ka-reliable kung ang cycle ay mas maiksi sa 27 days or irregular. Ang method na ito ay pinaka applicable for those na hindi mas matagal sa 32 days ang cycle at hindi mas maiksi sa 27 days.
Like I said, better to make appointments with your doctor to help you plan with this conception. Good luck sa inyong baby-making! ‘Wag kalimutang enjoyin ito and always be safe.
With love and lust,
Doc Rica
•
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG.