Tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Alden Richard at Bea Alonzo! Sanib-puwersa ang film outfits na Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures sa dream project ng taon, ang local adaptation ng Japanese drama na “Pure Soul.”
Nagkaroon ang series ng Korean movie na “A Moment To Remember” na magiging kuwento ng Philippine movie adaptation.
First time ni Alden na makagawa ng isang remake at makapareha si Bea matapos gumawa ng isang TV commercial.
“Ang ganda ng material, sobra. Kung mababalik lang ang cinemas, it’s really for it. Mas dama mo ‘yung istorya,” saad ni Alden sa contract signing ng project.
Natutuwa rin si Bea na makapareha si Alden sa unang pagkakataon.
“We will make sure that it’s going to be a good one. It is going to be extra challenging and also very inspiring,” sey niya.
Walang urungan
Tuloy din si Congressman Alfred Vargas sa paggawa ng pelikulang karapat-dapat mapanood sa big screen.
Nagsilbing inspirasyon kay Cong. Alfred ang parangal na iginawad sa kanya ng Film Development Council of the Philippines sa pelikula niyang “Kaputol” sa nakaraang Film Ambassadors’ Night.
Nanalo ang cast ng “Kaputol” for Best Performance sa katatapos na Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy. Naging in competition din ito sa dalawang festivals abroad, ang Bengaluru International Film Festival sa India at Asian Film Festival sa Rome.
“All these international recognitions have made me happy and proud…I would like to thank the FDCP for honoring the film workers because in honoring them, they also honor the film community,” bahagi ng pahayag ni Cong. Alfred.
Congratulations, Congressman Alfred at sa lahat ng naging bahagi ng pelikulang “Kaputol!”