After six years, nagkabati na rin sina Aiko Melendez at Maricar de Mesa. Nangyari ito noong parehas silang nag-guest sa “Tadhana” ng GMA7.
Sa interbyu ng “24 Oras,” kapuwa nagpahayag sina Aiko at Maricar na hindi na nila pinag-usapan ang dahilan ng kanilang hidwaan. Basta nag-usap na lang sila sa set.
Kailan naman kaya magkakabati sina Aiko at Candy Pangilinan? More than a year na silang hindi nag-uusap. Sa kanyang vlog, sinabi ni Aiko na sobrang nasaktan siya sa ginawa ni Candy sa kanila ng boyfriend niyang si Vice-governor Jay Khonghung. Hindi na idinetalye ni Aiko kung ano ‘yun.
Nag-effort na ang mga kaibigan nilang sina Carmina Villarroel at Gelli de Belen na pagbatiin sina Aiko at Candy. Humingi na rin ng tawad si Candy, pero ani Aiko, hindi pa siya handang makipagbati.
Apektado
Affected much si Sharon Cuneta sa pagkamatay ng international fashion designer na si Rocky Gathercole. Nasa set siya ng pelikulang ginagawa niya nang mag-text sa kanya ang hipag niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano at ipinaalam ang pagpanaw ni Rocky.
Sandaling nahinto ang shooting dahil iyak nang iyak si Sharon. Long-time friends sina Sharon at Rocky na isa ito sa mga paboritong designer ng Megastar.
Ito ang kadalasang gumagawa ng mga damit at gowns niya. Ilan sa mga international celebrities na dinamitan ni Rocky ay sina Britney Spears, Katy Perry, Paris Hilton at Nicki Minaj.
Beach wedding
Next year pa ang kasal ni Glaiza de Castro at Irish fiancé niyang si David Rainey. Beach wedding ‘yun at pinag-iisipan pa nila kung sa Siargao kung saan sila nagkakilala ni David.
O, kung sa Baler, Quezon kung saan may resthouse ang pamilya ni Glaiza.