Inamin na ni Gerald Anderson na masaya sila ni Julia Barretto.
Vindicated si Bea Alonzo dahil parang patunay na din ito na si Julia nga ang third party sa hiwalayan nila ni Gerald.
Itinanggi ni Gerald na ginhosting niya si Bea.
Ayon sa kanya, sadyang very toxic na ang naging relasyon nila.
Paulit-ulit na lang daw siya nagpapaliwanag sa mga bagay na hindi nila pinagkakaunawaan. Pero hindi nirerespeto at hindi ‘yun tinatanggap ni Bea. Tumagal nang maraming buwan ang gano’ng sitwasyon.
So, there!
Enjoy
Ang pamamasyal sa iba’t ibang probinsiya ang kinahihiligan ngayon ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.
Super enjoy sila sa mga lugar na pinupuntahan nila.
Anila, hindi pa nila ganap nararanasan ang buhay-probinsiya dahil ipinapa-renovate pa nila ang lumang bahay nila sa Subic, Zambales.
Once or twice a week lang sila nagpupunta roon dahil nasa Manila ang trabaho nila.
Soon ay mapapanood sina Mikael at Megan sa isang show ng GMA7 na sila ang hosts.
Pagod na rin?
Mapanindigan kaya ni Angelica Panganiban na huling teleserye na niya ang “Walang Hanggang Paalam?”
Hindi na raw siya tatanggap ng bagong teleserye.
Gano’n din ang nangyari noon kay Jericho Rosales. Ilang taon siyang namahinga sa paggawa ng teleserye. Napagod siya sa puyatang taping.
Matapos ang ilang taon at nakapag-recharge na si Jericho ay muli siyang gumawa ng teleserye.