Maraming netizens ang di natuwa kay Gerald Anderson at sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto.
Ano raw ba ang dahilan kung bakit ngayon lang siya umamin, eh marami na raw ang nakakaalam sa tinatago nilang relasyon.
Hindi rin daw nagustuhan ng marami ang pagpe-playing victim ni Gerald dahil imbes daw na mag-sorry ito kay Bea Alonzo, pinalabas pa niya na siya ang dehado at kawawa nung maghiwalay sila.
Baka raw nakakalimutan ni Gerald na siya ang biglang lumayo at hindi na kumausap kay Bea kaya nadikit sa kanya ang salitang “ghosting.”
Pinaalala rin ng netizen kay Gerald na sobra nitong sinaktan si Bea noong malaman nito na may lihim silang relasyon ni Julia habang sila pa.
Heto ang ilang matatalim na mensahe ng netizens kay Gerald…
“You are a perfect example of a disgusting pig!”
“Kadiri yung feel na feel nyang in love siya “ulit”… ang daming beses nya na in love in a short span of time LOL! Yung mga lalaking feeling knight in shining armour eh hanep naman sa pagka playboy!”
“Talaga lang ha! Eh yung may pa statement pa si Julia against Bea noon…Deny pa more!!”
“Coz he gets away with it always. Toxic masculinity. Repetitive ang mga breakup nya. IF THEY DO IT ONCE, THEY WILL DO IT AGAIN…”
“Ayaw daw ilaglag si Bea, he’s not that kind of person daw, pero dada pa din nang dada…”