Anito sa vlog ni Pops Fernandez, gusto na raw niyang mag-retire sa showbiz.
Tatapusin lang daw niya ang mga commitment niya sa GMA7.
Anong gagawin niya kung sakali?
Gusto raw niyang mag-focus sa pagiging interior designer.
Nag-offer pa nga ito kay Pops na libre lang kapag nagpa-interior design ito ng bahay.
Wow!
Buntisan issue
Sa same vlog, napag-usapan ni Derek at Pops ang pagkaka-link nila sa isa’t isa.
Ani Pops, nasorpresa siya sa tsismis.
Ganun din si Derek.
“Nabuntis ko pa nga raw ikaw,” sabi pa ng machong aktor.
Ani Pops, close talaga siya sa mommy ni Derek.
Mas kilala nga raw niya ito kesa kay Derek.
Mommy rin ang tawag niya rito.
Gano’n din daw ang tawag niya sa ina ng ibang kaibigan niya bilang respeto.
Nasira
Dahil kay Ellen Adarna ay nasira ang sinabi ni Derek sa kanyang sarili na hindi muna siya makikipag-relasyon muli matapos maghiwalay sila ni Andrea Torres.
Super in love at happy si Derek kay Ellen.
Sinabi rin niya ito noong sila pa ni Andrea.
Sinabi rin niya na si Andrea na ang “The One” for him at handang pakasalan.
Ngayon, si Ellen na ang “The One” for him at gustong pakasalan.
Sey naman ni Ellen, pag-iisipan pa niyang mabuti ang kuda ni Derek.
Enjoy-enjoy lang muna sila sa company ng isa’t isa.
Walang closure
Walang closure si Derek at Andrea.
May mga bagay na nangyari sa relasyon nila na hindi sila kapwa nakapag-adjust.
May mga gusto at ayaw nila ni Andrea sa kanilang relasyon na kapwa hindi nila naipaglaban.
Nilinaw ni Derek na wala silang galit sa isa’t isa ni Andrea. Hindi niya ito in-unfriend sa socmed. Sa nakikita raw niya’y masaya naman ang kanyang ex-girlfriend.