Muntik nang mag-quit sa showbiz si Carlo Aquino. Aniya sa vlog ni Erich Gonzales, panahon ‘yun na wala siyang projects. Kung meron man, madalang at indie films pa na maliit lang ang talent fee.
Eh, kailangan niyang suportahan ang kanyang pamilya. Naisipan niyang mag-iba ng propesyon. Pero dumating muli ang mga offer na lumabas siya sa pelikula at telebisyon, hanggang nagtuluy-tuloy ‘yun.
Ani Carlo, mag-aartista siya hanggang pagtanda niya at peg niya ang yumaong versatile actor na si Eddie Garcia. Kinamatayan nito ang pag-aartista.
Isa na ring certified father si Carlo na aniya, malaki ang nabago sa kanya since nagkaanak siya. Kamakailan ay bininyagan ang daughter niya sa non-showbiz partner niyang si Trina Candaza.
Ani Carlo, mahirap na masarap ang maging isang ama. Pero nag-e-enjoy siya. Nawawala ang pagod niya basta nakikita niya ang kanyang anak.
Paligsahan?
Mukhang nagpapaligsahan sa kanilang socmed posts ang showbiz couples na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, Gerald Anderson at Julia Barretto. Ayaw magpakabog sa kanilang sweetness overload.
Sa nakaraang birthday celebration ni Gerald, pakilig ang birthday kiss sa kanya ni Julia. ‘Andun si Marjorie Barretto (Julia’s mom), Piolo Pascual at ibang kaibigan nila.
May socmed post naman sina Derek at Ellen na magkapatong na nakadapa sila sa kama.
Ngayong lantaran na rin ang relasyon nina Gerald at Julia, abangers ang netizens sa mga susunod nilang socmed posts.
Just curious, kung suportado ni Marjorie ang relasyon nina Julia at Gerald, gano’n din kaya si Dennis Padilla (Julia’s dad)?
May banta noon si Dennis kay Gerald na huwag na huwag nitong sasaktan si Julia. Or else, magiging action star siya.