By RUEL J. MENDOZA
Hindi raw malilimutan ni Kyline Alcantara ang pagganap niya bilang Maggie dela Cruz sa GMA teleserye na “Bilangin ang Bituin sa Langit” na nagtapos noong March 26.
Sa Instagram, tinawag ni Kyline si Maggie as someone who “represented our generation.”
“Oh, Maggie! What a dream role you are. You are another check from my list. You represented our generation. Bakit? Dahil ang kwento mo ay kwento ng bawat anak at apo na umasa at nagdasal na mabuo ang pamilya kahit pa minsan ay nawawalan ng pag-asa. Natutunan ko sa’yo na minsan ay daig ng pagmamahal para sa pamilya ang ating sariling interes.”
Nagkaroon ng SEPANX (Separation Anxiety) si Kyline noong matapos na ang lock-in taping nila. Sobra raw siyang naging close sa co-stars niyang sina Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Candy Pangilinan, Isabel Rivas at Yasser Marta. Pati raw ang buong crew ay parang pamilya niya.
“To my BBL Family, you are the highlight of my 2020, you are the silver lining of that year. ‘Yung memories ng taping pre-pandemic hanggang locked-in taping ay ‘di ko makakalimutan. Hindi madali but we made it because we are family. I miss you all already.
“It’s been nice to portray and know you, Maggie. Maggie Dela Cruz Santos now signing off.”