By Mell T. Navarro
It’s a fact na likas sa mga Pilipino ang hilig kumanta.
Nasa tono man o wala ang pag-awit, eh sige lang ang birit ng mga Pinoy sa mga paborito nilang mga kanta – lalo na sa mga videoke, kahit sa kanilang mga tahanan.
Kaya naman patok sa Pinoy televiewers ang “Sing Galing” ng TV5, known as the “original videoke kantawanan” ng bansa. Mula nang ito’y magbalik-ere sa Kapatid network, ay ilang seasons na ang tinagal nito dahil consistent ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa show.
Hosted nina Randy Santiago, K Brosas, at Donita Rose, judges pa rin sina Rey Valera (na tumagal ring head hurado ng “Tawag Ng Tanghalan” ng Dos), Ronnie Liang, at Jessa Zaragoza.
Time and again, sa anumang singing competition sa telebisyon, laging excited ang viewers sa inaabangang “wildcard” editions, dahil muling nabibigyan ng pagkakataon ang ibang hindi pa “pinapalad” na pumasok sa semi-finals, bago ang grand finals.
Ang “Sing Back-Bakan” edition ng Sing Galing will showcase the most awaited comeback ng mga contestants na “naligwak” (natalo).
Nagsimula noong January 3, the Kapatid network rings in the New Year with more fun and surprises dahil nga sa kanilang wildcard edition na ito.
Matutunghayan ang pagbabalik ng mga contestants na nagpakitang gilas rin sa previous episodes at nag-iwan rin ng kanilang tatak.
Binansagang “Team Balik,” ang mga sinuportahan at pinag-usapang contestants na ito na hindi pinalad maka-join sa “Team Galing” last year ay binibigyang ng panibagong pagkakataon upang makipagbakbakan sa ibang contenders.
With the New Year comes new wildcard opportunities para sa mga susunod na maaari pa ring ipagpatuloy ang kanilang pangarap to make it to the semi-finals, and eventually ay sa finals. Sila ay sina:
Rachel Cardenas (Caloocan), Arjay Cabael (Batangas), Bly Peña (Valenzuela), Zarmine Pusta (Davao De Oro), Joyce Yadao (Manila), Vincent Guim (Sorsogon), Auriz Llorenz (Camarines Sur), Myca Capili (Laguna), Carl Ganaden (Tarlac), Diadelyn Tano (Quezon).
Nagbabalik rin sina Jamal Africa (Lucena), Rowel Soliven (Ilocos Sur), JR Navarro (Baguio), Gia Gonzales (Cavite), Joan Odeh (Novaliches), Wilson Baylon (Rizal), Camille Peralta (Bulacan), Dennis Narag (Cagayan Valley).
There’s Des Delagado (Pangasinan), Kent Datu (Davao Del Norte), Aria Angcon (Cebu), Cris Cerbito (Valenzuela), Dave Ballesteros and Musica Reyes (Cavite).
Exciting ito, dahil sinuman sa kanila — na mga galing sa buong Pilipinas — ay pupuno ng last three (3) remaining slots sa Team Galing.
Ang tatlong finalists ay mag-a-advance sa semi-finals upang lumaban sa current Team Galing members: Regielyn Fernandez (Baler), Jean Jordan (Taguig), Kim Macaraig and Kit Inciong (Batangas), Jamaica Lamit (Bicol), Mari Mar Tua (Pampanga), at Dennis Santos (Bulacan).
Ang 24 Team Balik contestants na mga “pang-sing-galingan sa videoke” mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay magbabakbakan para sa second chance para magustuhan ng viewers at judges.
This process indeed creates the perfect blend of hope, fun, getting back to action, at lumaban sa pangalawang pagkakataon.Abangan sa “Sing Galing” every Monday, Tuesday and Thursday at 6:30 PM, sa TV5, kung sino ang masuwerteng tatlong contestants na ito.
Good luck sa lahat!