MANILA – Nagluluksa pa si Raquel Catena sa pagkamatay ng kaniyang asawa nang ipatupad ang mahigpit na lockdown sa buongMetro Manila noong 2020.
“Wala po akong mahanap na trabaho dahil maraming negosyo ang nagsara,” ani Catena. “Double pasakit sa pamilya namin dahil kamamatay lang ng asawa ko, tapos nag-lockdown naman.”
Sa tulong ng kaniyang mga kapitbahay, natuto si Catena na manahi ng mga basahan mula sa surplus garments na galing sa Taytay, Rizal. Ito ang kaniyang naging kabuhayan magmula nang mamatay ang kaniyang asawa.
“Twenty-five years na po akong nakatira ditto sa Rolling Hills sa Payatas. Noong hindi pa gumuguho ‘yong tambakan, marami talaga dito ang nangangalakal ng basura,” pahayag ni Catena. “Ngayon po, pagtatahi naman ng basahan ang aming pinagkakakitaan.”
Kumukita ng P700 si Catena mula sa pananahi ng basahan. Nakakakuha rin siya ng pension mula sa SSS na kaniya namang ginagamit sa pag-aaral ng kaniyang dalawang anak.
“Magic po na napagkakasya naming iyong kita. Dalawa po ang anak ko, at parehong nag-aaral pa,” dagdag ni Catena. “Malaking bagay po talaga para sa amin iyong natatanggap naming tulong na bigas, gulay, tinapay, at gulay mula sa Ayala.”
#BrigadangAyalaKaakay
Binisita ni ACEN President & CEO Eric Francia nitong Lunes ang mga benepisaryo ng #BrigadangAyalaKaakay program sa Rolling Hills, Payatas. Ang ACEN ay ang listed renewable energy platform ng Ayala group.
Ang #BrigadangAyalaKaakay ay isang 12-week food distribution program na naglalayong matulungan ang mahigit 10,000 na pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ang bawat pamilyang benepisaryo ng isang linggong supply na bigas, gulay, delata, at tinapay.
“The stories of our beneficiaries affirm our decision to launch Kaakay and target those who lost their livelihood because of the pandemic. A lot of our beneficiaries here in Payatas earn less than P200 a day, and some of them must stretch that amount to cover the needs of a family of four. I am inspired by their resourcefulness and creativity, making use of available resources in the area to earn a little extra,” ani Francia.
Ang solar plant ng ACEN sa Alaminos, Laguna ay mayroong recycling facility alinsunod sa layunin ng Ayala na makamit ang net zero greenhouse gas emission pagdating 2050. Nasa plano rin ng ACEN ang pakikipagtulungan sa local communities sa pamamagitan ng garbage segregation at pagtatayo ng collection points sa mga sari-sari store, grocery store, at wet market.
Sa kaniya namang maliit na pamamaraan ay tumutulong rin sa pag-upcycle at waste management sa Rolling Hills community si Kaakay beneficiary Leonora Francisco.
“Sabihin mo nang iskwater kami rito dahil hindi naman sa amin itong lupa,” ani Francisco. “Pero hindi naman ibig sabihin noon na dapat pabayaan namin ang paligid. Katulad ko, 35 years na ako rito, parang may obligasyon din akong panatilihing maayos ang paligid.”
“Dati po akong nangangalakal sa tambakan ng basura, kaya alam kong may pera sa basura,” dagdag ni Francisco. “Sa upcycling or recycling, malinis na ang paligid, may konting kita ka pa. Hindi na rin masama, ‘di ba?”