Laking probinsiya ang Sparkle artist na si Allen Ansay.
Kaya naman malaking challenge sa kanya ang bagong show nila ni Sofia Pablo na “Luv Is: Caught In His Arms.”
Dito kasi, gaganap siya bilang mayaman.
“Inisip ko talaga kung paano ko gagawin ‘yung ganun. Hindi ako nagsusuot ng coat, hindi ko alam ‘yung proper mannerism ng isang may kaya…kasi nga lumaki ako sa probinsiya. Nu’ng una talaga, sabi ko, ‘paano ko gagawin ito?’ Nagpraktis talaga ako with the help of Sparkle. Winorkshop talaga nila ako.”
May mga peg siya na hango sa YouTube.
Kuwento niya, “Para mabuo ko ‘yung character na ‘yon nanood ako ng YouTube, ng mga movies. Isa sa mga characters na ginaya ko eh yung si Vincenzo para astig talaga ang galawan. Si Robin Padilla din, tipong galawang mayaman! Ha! Ha! Ha!”
Para kay Sofia naman, natutuwa siya at maraming doors ang nabuksan sa kanya in terms of her career nang maging magkapareha sila ni Allen.
“Nagkaroon kami ng endorsements. Maraming nagtiwala at kiniklig sa amin,” sambit ni Sofia.
Well, totoo naman. Katunayan, endorsers ngayon ng isang Derm Clinic ang dalawa.
Chinese tearjerker
Sumabak na ang Regent Foods sa pagiging blocktimer at ang una nilang handog ay ang Chinese tearjearker family drama na “Papa, Nasa’n Ka?”
Magsisimula itong mapanood sa SMNI, March 21, 8pm.
Nakakaiyak ito at relatable sa maraming Pinoy.
Ayon sa taga-SMNI, gusto nilang magkaroon ng alternative na mapapanood ang viewers nila dahil mas kilala nga sila sa kanilang news programs.
Bakit Chinese drama at hindi Korean na uso ngayon?
“Gaya sinabi ni Mr. Galvez, malapit sa kultura natin ito. Relatable. Tayong Pinoy, makapamilya kaya napa oo ng producer na ito ang SMNI. Hindi naman sinasabing exclusive tayo sa Chinese drama. Depende kung ano ang tema. Ito ‘yung una,” dagdag pa ng executive ng SMNI.