By MELL T. NAVARRO
Mahal na mahal ng music legend at multi-awarded singer na si Kuh Ledesma ang anumang may kinalaman sa Pinoy culture.
Mula sa paintings, hanggang sa kanyang furniture sa bahay, sa architecture, pati na sa pagkain.
Pero higit sa lahat, ang pinakamamahal ni Kuh ay musika.
Ito ang dahilan kung kaya’t isa siya sa lubos na nagtataguyod ng Pinoy music, o mas kilala bilang Original Pilipino Music (OPM).
Hindi maikakailang si Kuh ang isa sa mga driving forces sa pag-promote ng OPM – at ang cultural
importance nito – here and abroad.
Para kay Kuh, ang kanyang unwavering love and support for OPM and for OPM Artists ay pagpapatunay lang ng kanyang strong patriotic zeal.
Saad niya, “Mas gusto ko ang OPM dahil bukod sa talagang maganda, karapat-dapat nating mahalin bilang mga Pilipino. At magagaling tayong mga Filipino!”
Sa loob ng 45 years ni Kuh sa music industry ay patuloy siyang nagpapasaya ng kanyang audience, performing her hit songs na karamihan ay obra ng mga batikang Filipino songwriters.
Ngayong Sabado, November 25, sa ganap na ika-walo nang gabi, may panibagong handog si Kuh sa kayang mga loyal followers: Isang concert na pinamagatang “I Love OPM” na gaganapin sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.
Joining Kuh in “I Love OPM” ay isa pang OPM legend na si Marco Sison.
Kasama rin niya sa show sina Janno Gibbs, Mark Carpio, ang soprano singer na si Kathy Mas at ang
dating OPM president at constant collaborator ni Kuh na si Mitch Valdes.
The audience will be treated to a collection of OPM Hits. It will be a nostalgic journey through OPM’s multi-faceted history.
For more information on “I Love OPM“, you may call 0960-8850288 or via Ticketworld sa 8891-9999.