By JUN NARDO
Isang dakilang retokada si Alex Gonzaga. Ipinagmalaki niya ito sa Instagram kamakailan.
Inamin niyang pinagawa niya ang kanyang ilong nitong mga nakaraang araw lamang.
Sa pahayag ni Alex, ilang taon din niyang pnag-isipan ang bagay na ito. In the end, ginawa niya dahil sigurado siyang magiging masaya siya sa resulta.
“I say do what it makes you happy,” saad pa ni Alex.
Well, celebrity man o hindi, marami ang nagpapaayos ng kanilang ilong. Bihira nga lang may umaamin, huh!
Para sa amin, hindi nakakahiyang aminin kung may pinaretoke ka sa iyong katawan! Ang sa amin, konting ingat lang at maraming pekeng doktor na naglipana sa paligid!
May sakit!
Habang sinusulat namin ito any may dinaramdam pa rin si Vilma Santos-Recto.
Ito nga ang dahilan kaya hindi siya nakarating sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival last Saturday.
May sakit na siya nung major presscon ng MMFF entry nila ni Boyet de Leon na “When I Met You In Tokyo” last Friday. Pero kahit may sakit, pumayag siyang makausap ng press kahi via
Zoom lamang.
Hindi naman masisisi si Ate Vi sa absence sa parada dahil sagad din ang katawan niya sa promotions ng movie bago pa ito.
Pero kahit wala, bongga at agaw-pansin pa rin ang float nila dahil makulay at maganda ito, huh!
Present din ang lahat ng co-stars niya sa movie!
At may voice over pa si Vi para marinig ng mga tao ang boses niyang iniimbitahan silang panoorin sa December 25 ang movie, huh!
As of this writing, nag-text si Ate Vi sa amin, hindi pa raw siya pinapayagan ng doctor niya na magpagod.
Need to rest daw dahil sa opening day ay mag-iikot sila sa sinehan!
Get well soon, Ate Vi!