By DELIA CUARESMA
Namaalam na ang OPM icon na si Coritha.
Sumakabilang buhay ang singer-songwriter na nagpasikat ng mga awiting “Lolo Jose,” “Sierra Madre,” “Oras Na,” nitong Biyernes, September 27, dakong 7:50 ng gabi.
Kinumpirma ito ni Julius Babao sa kanyang vlog kung saan nakapanayam niya ang partner ni Coritha na si Chito Santos.
“Ilang araw namin siyang binabantayan hanggang sa humina na siya nang humina. E ayoko namang patagalin pa dahil nga lalo lang siyang mahihirapan,” pagbabahagi ni Chito.
Dagdag niya, “Hindi ko na kaya e. Hindi ko na kayang tiisin.”
Ang plano ng pamilya ay ipa-cremate si Coritha.
Kamakailan lang ay nag-tipon tipon ang ilang mga kaibigan ni Coritha sa industriya, katulad nina Lolita Carbon, Cooky Chua, Bayang Barrios, Chickoy Pura at iba pa, para sa isang fundraising concert para kay Coritha.
Napag-alaman na matagal nang bedridden ang mang-aawit sanhi ng stroke.