By JUN NARDO
Biglang lumutang ang tsismis na si Congressman Sandro Marcos, anak ni President Bongbong Marcos, ang producer ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.”
Lumutang ito matapos malaman na isa sa mga bida ng movie ay ang aktres na si Alexa Miro.
Matatandaang nali-link ang dalaga kay Cong. Marcos matapos silang maispatan na magkasama sa mga gatherings.
Pero hanggang ngayon walang pag-aamin mula sa kanila, huh!
Bata pa lang si Alexa nang magsimula sa showbiz. Lumikha siya ng pangalan ng nabigyan ng break sa movies gaya ng “A Girl And A Guy” at iba pa.
So, totoo ba ang tsismis na si Cong. Sandro ang producer ng “Strange Frequencies?”
Fake news po! Ang Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti ang producer ng movie.
Ang pelikula ay adaptation ng Korean box-office hit na “Gonjiam, Haunted Asylum” na napapanood sa Netflix.
Maliwanag ba?
Big break!
Super-excited ang baguhang singer-actor na si Dwayne Garcia dahil labas na sa lahat ng streaming platforms ang una niyang single na “Taym Pers Muna” na distributed ng Star Music.
Tungkol sa saloobin ng isang teenager sa mga sermon at ingay sa paligid.
“I’m sure maraming makaka-relate sa song ko,” sey ni Dwayne. “Mahalagang makinig sa sermon ng magulang. Pero kung sa pakiramdam ninyo eh masyadong na kayong nalulunod o nasasakal sa pangaral, masasabi ninyong time first muna.”
Dream come true para kay Dwayne na magaroon ng single at sa Star Music pa ito. Kaya todo ang pasasalamat ng teenager sa Diyos, sa family at kay Direk Joven Tan na composer ng kanta.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto maka-collab ni Dwayne si JK Labajo at puwede rin niyang pasukin ang acting na pangarap din niya.