Dear Doc Rica,
Nakita ko ung video niyo po tungkol sa “felching,” pero hindi ko po masyadong maintindihan kung ano ito at kung safe ba itong gawin? May mga risk po ba dito?
Maraming Salamat,
Curious Pero Takot
Hello Curious Pero Takot,
Great question! Salamat din sa panonood ng mga video ko!
Ang felching ay isang sexual practice na hindi karaniwan pero napag-uusapan sa iba’t ibang online forums. Sa simpleng paliwanag, ito ay isang gawain that involves oral contact sa semilya na naiwan sa loob ng katawan ng partner pagkatapos ng anal o vaginal sex. So may “pagdila” at “paghigop” na kasama ito.
May mga health risks na kaakibat ang felching. Dahil dito, importante ang tamang impormasyon bago isalang-alang ang ganitong practice. Unang-una, may posibilidad ng pagkahawa sa sexually transmitted infections (STIs) gaya ng HIV, chlamydia, at gonorrhea, lalo na kung hindi gumagamit ng proteksyon tulad ng condom. Kung ang isang tao o partner ay may impeksyon, mas mataas ang risk sa ganitong klaseng contact. Kaya, mahalaga ang proteksyon at open na pag-usap tungkol sa sexual health bago sumabak sa anumang bago o adventurous na aktibidad.
Kung napag-usapan niyo na ng partner mo at parehong interesado kayong subukan ito, siguraduhing ligtas ang inyong practice. Maging regular sa check-up para sa STIs. Tandaan din na mahalagang mag-maintain ng good hygiene bago at pagkatapos ng anumang sexual activity. Kung gusto mo ring madagdagan ng literal na flavor ang pagdila at paghigop, pwede kayong gumamit ng flavored play gels or lubricants!
Hindi mo kailangang subukan lahat ng nakikita o nababasa mo sa internet; mas mahalaga ang consensual at komportableng karanasan para sa inyong dalawa ng iyong partner. Ang tunay na intimacy ay tungkol sa kung paano kayo magkasundong dalawa, hindi kung gaano ka-unique ang inyong ginagawa.
With #loveandlust,
Doc Rica
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG.