By JUN NARDO
Sasalang na sa big screen for the first time ang showbiz couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa pelikulang “Sweet As Chocolate!”
Ito ang unang movie nina Mikee at Paul na anytime soon ay sisimulan na ang shooting.
Mula sa panulat at direksyon ni Rado Peru ang movie, huh!
Take note, si Rado rin ang siyang may-akda ng Vilma Santos-Christopher de Leon 2023 MMFF movie na “When I Met You In Tokyo.”
Sa hindi nakakaalam, si Direk Rado ay nahinang ang galing sa maraming batikang directors gaya ni Maryo de los Reyes at iba pa.
Pagdating sa TV, naging isa siya sa directors ng GMA hit series na “Lolong” at ang afternoon drama na “Makiling.”
Syempre pa, supported ng magagaling na veteran stars ang movie nina Mikee at Paul na hindi pa man nasisimulan ang pelikula ay kabado na, huh!
Isang rom-com ang “Sweet As Chocolate” at swak sa kanilang character sina Paul at Mikee!
Komportable!
No more ilangan kina JC De Vera ar Rhian Ramos na magkasama sa pelikulang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” under Bentria Productions.
Nagsama noong mga teen stars pa sina Rhian at JC sa Kapuso program na “La Lola” na adaptation mula sa isang telenovela.
“Komportable na kami sa isa’t isa ngayon hindi tulad noon na bata pa kami. Gaya pa rin ng dati si Rhian na mahusay at dama sa kanya ang pagmamahal sa trabaho,” sabi n JC sa mediacon ng movie na ginanap sa Manila Hotel.
Bahagi rin ng movie si Tom Rodriguez na inamin na meron na siyang four-month-old baby with his non-showbiz partner na naka-base sa US.
“He is my source of inspiration,” pagmamalaki ni Tom na wala na ang bakas ng pait ng nakaraan lalo na’t divorced na sila ng dating asawa na si Carla Abellana.
Kabugan sa acting sina Tom, Rhian at JC sa “Wag Mo ‘Kong Iwan” mula sa direksiyon ni Joel Lamangan kung saan kasama rin ang mhuhusay umarte na sina Rita Avila, Lloud Samartino at Pinky Amador.
Mapapanood ang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” sa November 27!