By MELL NAVARRO
Overwhelmed ang Gen-Z singer-songwriter na si Janine Teñoso para mapili ng iconic OPM band na Side A na makasama nila sa kanilang “Bonded By Sound” concert ngayong Sabado, November 30, 8pm, sa The Theater at Solaire.
Aba, sa dami nga naman ng young female singers and musicians, big deal for Janine ang maging only choice ng Side A na maka-jamming nila sa kanilang concert na ito, produced by Sonic Sphere Productions.
Ayon sa Side A, pinili nilang makatrabaho si Janine dahil confident sila sa kakayahan nito.
“She’s pretty monster singer. Soulful ang pagkanta niya with rightful intent,” sabi ng spokesman ng grupo.
Naniniwala rin daw sila sa panghatak ni Janine sa young audience bilang Gen Z nga ang henerasyon nito.
“Hindi po ako makapaniwala na makakasama ko sila na pangarap ko lang po dati. I am so much blessed with the opportunity na maka-work sila,” sabi ni Janine.
Say pa niya, idol raw niya ang nasabing grupo na isa sa mga hinahangaan niyang banda sa Philippine music scene.
“Even since I was a kid. Actually, kinukuwento nga ng mom ko kung gaano ka-phenomenal ng Side A. Siyempre, I grew up na pareho naming pinakikinggan ang songs nila,” kuwento ni Janine.
Dream come true raw para sa kanya ang makasama sa isang concert ang kanyang hinahangaang band.
“Dati, naririnig ko lang mga kanta nila tapos ngayon ka-collab ko na sila. So excited ako sa kalalabasan ng collaboration ko as well siyempre iyong isosorpresa namin to all of you,” dugtong niya.
May kakantahin si Janine na songs ng Side A, ang grupo ba ay gayundin, maaaring maririnig rin ang original songs ni Janine sa kanilang concert.
Sa tanong ng press kay Janine kung ano ang kanta ng Side A na gusto niyang kantahin sa concert, ang sagot niya ay ‘yung “Tell Me” na original song ni Joey Albert at ini-revive ng nasabing banda.
Dagdag pa niya, ang isa sa pinakapaborito niyang piyesa ng Side A ay ang popular hit song nilang “Forevermore.”
Nakakatuwa ang mga ganitong concert kumbinasyon ng isang iconic band at isang Gen-Z singer.
“Actually, we are worried about Gen Z audience eh, yun ang worry ko. Kaya nga ‘yung title namin ay ‘Bonded by Sound.’ Ang tanong ko e, magkikita-kita ba ‘yung sounds namin sa sounds ng kabataan sa ngayon?” sambit ng kanilang pianistang si Naldy Gonzales.
“’Yung drummer ng SB19 ay kilala ko ‘yun eh, halimaw yun, hindi ko magagawa ‘yung ginagawa niya eh. Pero puwede namang gawan ng ibang touch,” sabi naman ng drummer na si Ernie Severino.
Ang nasabing benefit concert will showcase the enduring legacy of the iconic OPM band Side A, who helped define the Philippine music scene for decades.
Fans can look forward to rousing performances of their classic hits that have resonated with generations of Filipinos.
Ang collaboration ng timeless sound ng Side A at ang fresh and contemporary style of singing tulad ni Janine — may own compositions, at marunong ring tumugtog ng gitara – ay isang bright idea to mount in a concert.
The interplay between Side A’s revered sound and Janine’s innovative approach promises to create a dynamic, memorable concert experience that celebrates the past, present and future of OPM.
Concertgoers can expect an evening filled with nostalgia, discovery and musical celebration.
Tickets for “Bonded By Sound” is available via Ticketworld at maaari ring bisitahin ang social media accounts ng The Theater at Solaire.