By JUN NARDO
Apat na beses palang inalok si Vilma Santos-Recto na tumakbo bilang Vice President.
Apat na beses rin niya itong tinanggihan!
E, nung time na ‘yon, maraming humanga sa kanya nang maging Lipa City, Batangas Mayor hanggang sa maging Governor ng probinsiya.
Pero tinanggihan niya ang mga offer dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa lalawigan ng Batangas na napagtagumpayan naman niya.
Muling babalik si Ate Vi bilang gobernadora ng Batangas kung sakaling pagbibigyan siyang muli ng mga kababayan sa 2025.
E, kahit babalik uli sa public office, hindi pa rin nakakalimutan ni Ate Vi ang showbiz lalo na’t meron siyang “Uninvited” na MMFF entry ng Mentorque Productions.
At cooperative siya sa tatlong books tungkol sa kanya na ginagawa ng UST professors.
Tinatalakay sa mga libro ang kanyang statura bilang icon, artist at woman.
Kasalukuyan na siyang nagpi-pictorial para sa tatlong libro na ito.
Pampainit sa Disyembre!
Dalawang movies na pampainit ang handog ng VMX ngayong December.
Last December 3, nag-streaming na sa app ang “Silip” nina Rica Gonzales, Lea Bernade at Karl Aquino mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.
Sa mediacon ng “Silip,” sinabi ni direk Bobby na mahigpit siya sa oras lalo na sa call time ng cast. Hindi naman daw niya naranasan ito sa mga artista niya sa “Silip,” pero nabanggit niyang may isang artista siyang pinauwi noon at tuluyang tinanggal sa cast dahil sa tatlong oras na pagiging late sa shooting.
Boy’s love or BL naman ang tema ng VMX Plus movie na “My Boyfriend Is A Sex Worker” na ang mga bida ay sina Topper Fabregas, Kurt Kendrick, Marnie Lapus, Omar Flores, Adrienne Vergara at iba pa.
Nakagawa na ng BL movie dati si Topper na mas kilala bilang stage actor.
Palibhasa, sanay na sa stage na may mga daring scenes din, dito sa movie, pumayag si Topper na magpakita ng puwet!
Naku, wag palampasin ang dalawang movies na ito lalo na’t lumalamig na, huh!